Trike driver itinumba

CAVITE, Philippines - Pinabulagta ang 42-anyos na traysikel driver matapos itong ratratin ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng highway sa Barangay Banaba sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng hapon. Lumilitaw na nagmamaneho ng trike ang biktimang si Jose Froilan Austria nang harangin at pagbabarilin ng grupo ng lalaki na lulan ng puting Toyota Avanza. Ayon kay PO1 Carlito Jimeno, narekober sa crime scene ang walong basyo ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments