Trike driver itinumba

CAVITE, Philippines – Binaril at napatay ang isang trike driver ng mga di-kilalang lalaki bago itinapon sa liblib na bahagi sa hangganan ng Barangay San Miguel 1 at Barangay Molino 4 sa Bacoor City, Cavite kamakalawa. Nagtamo ng tama sa ulo ang biktimang si Arnel Zamora ng  Block 9 Lot 25 sa nasabing lugar. Ayon kay PO3 Joel Umali, natagpuan ang bangkay ng biktima bandang alas-6:30 ng umaga kung saan huli itong namataang buhay na nagmamaneho ng kanyang traysikel sa terminal ng SMM4 Toda. Nabatid na nakapagsakay pa ng pasahero ang biktima sa terminal kung saan nagpahatid ito sa Barangay Pasong Buaya at simula noon ay hindi na nakabalik pa sa nasabing pilahan. Sa kasalukuyan ay hindi pa rin narerekober ang traysikel ng biktima.

Show comments