PMA cadet nalunod sa pagsagip sa utol

CERVANTES, Ilocos Sur, Philippines – Dahil sa pagsagip sa nalulunod na kapatid ay nagbuwis ng buhay ang 29-anyos na kadete ng Philippine Military Academy (PMA) matapos malunod sa malalim na irrigation dam sa Sito Bao-angan Barangay Comillas sa bayan ng Cervantes, Ilocos Sur noong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Efren T. Sa­dayan, tubong Mankayan, Benguet, kasalukuyang nagbabakasyon mula sa schooling sa National Defense College of Japan noong Disymebre 26.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nag-family ga­thering ang pamilya ng biktima sa nasabing barangay kung saan naligo sa dam ang utol na si Bryan Paul.

Gayon pa man, nama­taan ng biktima na nalulunod si Bryan kaya sinagip nito subalit nagbuwis naman siya ng buhay.

Natagpuan sa ilalim ng dam ang katawan ng biktima matapos magsagawa ng search and rescue ang dalawang residente na sina Romando Acyadan at Alvin Ortega.

Show comments