Mister dedo sa hit and run

MANILA, Philippines - Isang  mister ang nasawi matapos itong aksidenteng masagasaan at makaladkad pa ng isang rumaragasang van sa kahabaan ng national highway, Purok IV, Brgy. Tagbuyacan, Santiago, Agusan del Norte, kamakalawa ng gabi. 

Kinilala ang biktima na si Honorio Niño, 44,  idineklarang dead-on-arrival sa Agusan del Norte Provincial Hospital sanhi ng mga tinamo nitong matitinding sugat sa katawan.

 Ayon kay CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, naganap ang insidente sa nasabing lugar bandang alas-7:30 ng gabi.

 Sa imbestigasyon, bigla na lamang tumawid ang biktima sa national highway nang aksidente itong mahagip ng isang  van na hindi nakuha ang plaka. 

Tuluy-tuloy na nasagasaan ang biktima na sa kamalasan ay nakaladkad pa ng ilang metro ng nasabing sasakyan. 

Isinugod naman ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya sa pagamutan ang biktima pero nabigo ng maisalba ang buhay nito

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

 

Show comments