Pasahero, nahulog mula sa barko, nailigtas
MANILA, Philippines — Isang pasahero na nahulog mula sa kanyang sinasakyang barko na may rutang Batangas patungong Calapan, kamakalawa ang matagumpay na nailigtas.
Sa ulat ng Philippine Ports Authority (PPA), hindi na pinangalanan ang naturang pasahero na nahulog umano mula sa barko ng Montenegro Santa Brigida.
Ayon sa pinadalang report ng nasabing barko, natagpuan ng isang mangingisda ang nasabing pasahero.
Agad rin naman umano itong naisalba ng mangingisda at naisakay pabalik sa nasabing sasakyang pandagat.
Mabilis ding itinawag ng PMO Mindoro sa Calapan City Safety Department ang nasabing pangyayari para sa karagdagang medical assistance.
Pagdating sa pantalan, dinala agad ang naisalbang pasahero sa pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng karampatang lunas.
- Latest