^

True Confessions

Monay (123)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Kinabukasan, ma­taas na ang araw ay magkaya­kap pang natutulog sina Joem at Cath. Unang nagising si Cath at mula sa kamang kinahihigaan, nakita niya ang sikat ng araw na tumatama sa beranda. Halatang maganda ang panahon dahil nakikita niya ang asul na ulap. Bumaling siya kay Joem na tulog na tulog pa. Marahan niyang hi­na­wakan niya ang mukha nito at saka hinalikan sa labi.

Nagmulat si Joem. Naramdaman ang halik. Gumanti siya ng halik sa asawa.

“Nakatulog ka nang mahimbing, Cath?’’

‘‘Oo. Pinagod mo ako, Joem.’’

“Mamaya papagurin uli kita, he-he-he!’’

“Ganun uli?’’

“Oo. Para makagawa agad tayo ng baby.’’

“Sa palagay mo mabubuntis pa ako e past 50 na?’’

‘‘Oo naman. Meron nga 80-anyos nagbuntis pa.’’

‘‘Ow? Saan naman nangyari?’’

‘‘India.’’

‘‘Normal delivery?’’

“CS. Hindi na siguro kinaya ang normal dahil nga sa age. Pero ang nakapagtataka e nanga­nak pa sa ganung edad. Parang apo na niya ang anak.’’

“Oo nga. Kapag nag-ten years old ang bata e di 90 na ang nanay. Ang tanda na niya.’’

‘‘Kaya huwag kang magsasalita na kaya pa bang manganak kahit past 50 na. Kayang-kaya pa.’’

‘‘Gusto ko mabigyan na agad kita ng anak, Joem.’’

“Kaya nga ma­maya ay may gagawin uli tayo. Kakain muna tayo ng breakfast at saka mag­­tatrabaho na tayo. Okey Cath?’’

“Okey, Joem.’’

“Kailangan bago tayo umalis dito sa Paraiso ay nakabuo na tayo.

Kinurot ni Cath sa tiyan si Joem.

 

NATAPOS ang honey­moon nina Joem at Cath. Balik-trabaho na sila.

Isang umaga may tumawag kay Joem. Si Trishia. Nabasa pala nito ang pagpapakasal nila ni Cath. May pait ang tinig ni Trishia.

“Congrats! Ang ga­ling mo Joem, President pa ng kompanya ang tinarget mo.

“Hindi ako maga­ling. Nagpakasal lang ako sa babaing mahal na mahal ko!’’

“Oww talaga? Hindi ba dahil sa yaman?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

CATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with