^

PSN Showbiz

Xian, ‘di pa tapos sa breakup nila ni Kim!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Xian, �di pa tapos sa breakup nila ni Kim!
Iris at Xian Lim

Ang bongga naman ng bagong karelasyon ng aktor na si Xian Lim na nag-flex na ng litrato nila habang nakaakbay sa kanya ang ex-boyfriend ni Kim Chiu.

Kasalukuyang nasa France ang magkarelasyon para sa Cannes Film Festival 2024.

Ipinost ng Vivamax producer ang litrato nilang magkaakbay na may caption na black heart at film frame emojis na agad na napansin ng netizens.

Limitado lamang ang maaaring magkomento sa kanyang post kaya walang basher na nakapagkomento roon na siguradong hindi sana palalagpasin ng mga ito.

Maaalalang kinumpirma ni Xian ang relasyon nila kamakailan sa isang exclusive interview.

Limang buwan matapos ang controversial breakup nila ni Kim ay nagsalita na siya upang isapubliko ang relasyon nila ng produ dahil sa mga haka-haka ng netizens na nakatutok sa kanilang dalawa.

December naman nakaraang taon nang kumpirmahin nila ni Kim ang hiwalayan nila kung saan tinapos nila ang 12 taon nilang relasyon.

Kahit ilang buwan na silang hiwalay ng aktres ay patuloy pa ring pinag-uusapan ang breakup nila tungkol sa kung paano nila tinapos ang relasyon at kung sino ba ang tumapos nito na ginagawang biro na lamang din ng netizens.

‘My second family’

Lahat yata ng korte ng cake naipadala sa akin para sa 77th birthday ko. Kaya para akong bata na tuwang-tuwa ‘pag may dumarating na cake, hah hah.

Puwede nang magtayo ng bakeshop.

‘Kaloka si Rhea Tan na meron nang bag, happy envelope, lechon at big cake. Para bang lahat nang maisip iregalo ipinadala niya. Pati si Nina Taduran, may pa-lechon na, pahabol na cake at sabi ‘pag nagkita ‘yung tunay na regalo ang iaabot.

Si Atty. Dimple ng Net 25 na araw-araw dumarating ang cake at ensaymada na bigay niya. Grabe talaga na overwhelming love ang nadarama ko.

At akala ko nalimutan na ni Betsy Quisumbing nang biglang dumating ang isang crate ng longan.

Bigla nga akong na-senti dahil kadalasang kabiruan ko sa gifts na natatanggap sina Ricky Lo at Mario Bautista. I feel na ang tanda-tanda ko na. O ‘di kaya parang sign na dahil matanda na ako bigay mo na lahat ng love na puwede nating ibigay sa kanya, hah hah.

Honestly dahil talagang hindi ako mahilig sa party, ‘yung pagpunta ng lunchtime on a Sunday ng mga nagmamahal sa akin appreciated ko talaga. ‘Yung talagang nagbabad sila para samahan ako sa lunch naging energizer ko talaga.

Hindi ako nakaramdam ng pagod at hindi bumaba ang energy level ko. Hanggang ngayon nga meron pa akong hangover sa happiness na nadama ko.

Sobrang blessing talaga ang binibigay sa akin. Kaya nga sabi ko, ever since hindi ko pinaniwalaan na hindi ka makakakuha ng tunay na pagmamahal sa showbiz. Halos more than half of my life nasa showbiz ako at nadama at nakuha ko ang love na talagang grateful ako. Second family ko na ang showbiz. Will have all the memories, giving me smile all my life. Thank you.

vuukle comment

ACTOR

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with