^

Police Metro

Pumatay sa babaeng kapitbahay na Isiniksik sa cooler, tiklo

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Wala pang 24 oras ay naaresto na ng pulisya sa Pasay City ang suspek sa pagpatay sa isang babae na naningil ng utang sa kanya at pagkatapos ay isiniksik niya sa ice cooler sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite, kamakalawa.

Sa isang lugar sa Pasay City natiyempuhan ng pulis ang suspek na si alyas Wilson, nasa hustong gulang, residente ng Golden Horizon Villas Subdivision ng nasabing barangay.

Magugunita na nitong Huwebes ay pinatay ng suspek ang biktimang si Mari Joy Singayan, 26 na kanyang kapitbahay sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang lubid bago isiniksik nito ang katawan ng biktima sa kanilang ice cooler.

Ayon sa pulisya, nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek upang singilin umano ito ng utang na nagkakahalaga ng P50,000.

Subalit wala pa umanong maibayad ang suspek na nauwi sa palitan ng masasamang salita hanggang sa napikon ang una.

Hinila nito ang biktima papasok sa kanyang bahay at doon ay sinakal gamit ang  lubid.

Sa pahayag ng misis ng suspek, alas-4:45 ng hapon nang tumawag sa kanya ang mister at ina­min ang ginawang krimen at sinabi na inilagay ang bangkay ng biktima sa cooler. Dito na nagreport sa kanilang barangay ang misis at narekober sa loob ng ice cooler ang biktima.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with