^

PSN Showbiz

Inauguration coverage  ng GMA, mas tinutukan!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Inauguration coverage  ng GMA, mas tinutukan!

Pinatunayan ulit ng GMA Network na ito ang pinaka-pinagkakatiwalaang broadcast news organization sa bansa.

Sa katatapos lamang na inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., mas tinutukan ng viewers at netizens ang coverage ng Kapuso Network.

Sa overnight TAM data ng Nielsen Philippines para sa Hunyo 30, ang Ang Inagurasyon: The GMA News and Public Affairs Special Cove­rage, na ipinalabas sa GMA at GTV, ay nakakuha ng combined people net reach na 18.7 porsiyento sa Total Philippines at nakaabot ng higit sa 15.2 milyong mano­nood sa buong bansa.

Sa online, mas marami rina ang nanood ng livestream ng GMA News, na nakakuha ng 1 million views sa Facebook page nito at 1.5 million views naman sa YouTube channel nito.

Sa araw ng inagurasyon, pinakatinutukan din sa Philippine news pages – pumalo sa 10.7 million video views sa Facebook at 4.8 million video views sa YouTube, mula sa datos ng Tubular Labs.

Sina Pia Arcangel at Atom Araullo ang anchors ng Ang Inagurasyon: The GMA News and Public Affairs Special Coverage.

Mula Unang Balita pa lang ng Unang Hirit, updated na ang viewers sa latest happening tungkol sa inauguration.

Kasunod ng inauguration rites ni Pangulong Marcos, nagpatuloy ang balita sa 24 Oras at Saksi. Sa second free-to-air channel ng GMA na GTV, extended ang pag-ere ng Dobol B TV na sinundan ng Balitanghali, Dapat Alam Mo!, at State of the Nation.

Ang Super Radyo DZBB 594khz at lahat ng Super Radyo stations sa buong bansa, buong-pwersa ring naghahatid ng pinakamalaking balita kaugnay ng inagurasyon ng Pangulo simula 5:30 ng umaga.

Nakatutok din ang GMA Regional TV (RTV) para sa Kapuso sa regions sa pamamagitan ng pagbabalita sa iba’t ibang regional channel.

Napanood din ang inagurasyon sa pamamagitan ng livestream sa website ng GMA Regional TV na www.gmaregionaltv.com. Hindi rin bumitaw ang mga Kapuso abroad, na napanood ang coverage sa pamamagitan ng mga international channel na GMA Pinoy TV at GMA News TV, with live updates sa mga social media pages ng GMA Pinoy TV. 

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with