^

PSN Showbiz

Cherry Pie, naging cupid nina Angelica at Gregg!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Cherry Pie, naging cupid nina Angelica at Gregg!
Gregg at Angelica.

Nagsimula na si Angelica Panganiban sa paggawa ng video blogs kasama ang kasintahang si Gregg Homan.

Mapapanood na sa YouTube channel na tinawag na The Homans ang kanilang unang vlog. “First time namin, obviously wala kaming vlog. Hindi kami mahilig sa mga ganito. Sobrang private ng buhay namin. Lalung-lalo na no’ng na-meet ko si Gregg. Kasi hindi naman siya taga-showbiz. Mahiyain siya, akala niya mahiyain siya pero makulit talaga ‘yan,” bungad ni Angelica.

Naikwento ng aktres kung paano sila nagkakilala ng nobyo noong kasagsagan ng pandemya. “Nagkakilala kami habang ginagawa ko ‘yung teleseryeng Walang Hanggang Paalam. Unang-una pa lang, supposedly magmi-meet kami December ng 2018. Hindi lang natuloy dahil nasa New Zealand siya tapos parang hindi siya interesado sa akin. Nagkaroon kami ng chance no’ng 2020 dahil ‘yung location ng Walang Hanggang Paalam ay sa Subic, taga-dito talaga si Gregg. Si Cherry Pie (Picache) ‘yung may kakilala sa kanya and kilala sa akin na nangungulit na, ‘Sige na, game na. Mag-meet na kayong dalawa.’ Noong una, ayoko talaga. Hindi naman jaded pero parang tamad na ako sa mga dating-dating. Parang hindi na ako interesado. Masaya naman ako sa single. Para lang matahimik lang noon si Ms. Pie, pumayag na ako na makipag-meet sa kanya, do’n nag-start ‘yon,” pagdedetalye ng aktres.

Malapit nang ipanganak ni Angelica ang kanilang unang supling ni Gregg sa. Marami ang nagtatanong ngayon sa aktres kung iiwan na ba ang trabaho bilang artista kapag nagkaroon na ng anak. “Nanamnamin ko ‘yung pagiging ina ko muna. I-enjoy-in ko muna ‘yon. Thirty years na rin naman ako sa industriya. Ang dami ko nang naiambag. Siguro ngayon mag-focus muna ako sa aking family. Sobrang blessed ko dahil mayroon ako ngayong tinatawag na pamilya. Gusto ko ibigay lahat ng oras ko do’n. Tututukan ko muna ‘yung baby. Kapag kaya ko na (iwan ang bata) siguro babalik ako ng work,” pagtatapat ni Angelica.

Loisa at Ronnie, walang pake kahit sinasabing live in na

Mag-aanim na taon nang magkasintahan sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Masaya at maayos ang relasyon ng dalawa dahil para lamang daw silang magtropa ayon sa aktres. “Para kaming magtropa, mag-best friend. Hindi kami gaya ng iba na ‘pag may problema kami, dinidibdib talaga namin, pinag-aawayan namin. Kasi talagang ‘pag may problema kami, pinag-uusapan namin agad and tingin ko ‘yon ang kinatagal ng relasyon namin. Communication and trust (ang sikreto),” pagbabahagi ni Loisa.

May bulung-bulungan na nagsasama na diumano ang magkasintahan ngayon sa iisang bubong. “Pwede naman, nando’n kami sa punto na wala na kaming pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao sa amin. Ginagawa lang talaga namin kung ano ba talaga ang gusto namin off cam. Sa mga pino-post namin sa Instagram, nagpapakatotoo lang kami. Hindi namin sino-showbiz lahat. May masabi sila sa amin wala kaming paki, basta masaya kaming dalawa,” makahulugang pahayag ng dalaga.

“Kasi magkalapit ang bahay namin. 15 minutes away lang Cavite siya, Laguna lang ako. So parang, ‘Beh! Kailangan ko kausap, usap tayo.’ So ang dali lang magpunta. So kami, tara picture kami, pero hindi ko alam na ang issue pala is live in na. As long as alam ko naman na hindi, okay naman kami, hindi ko naman na pinapatulan,” giit pa ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with