^

PSN Showbiz

Nadine, confident sa no makeup look

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Nadine, confident sa no makeup look
Nadine
STAR/ File

Bongga si Nadine Lustre. Talagang very confident siya sa kanyang looks, kaya kahit walang makeup, rampa nang rampa.

Feel na feel mo ang confidence niya ‘pag kinukunan siya ng stolen shots sa Siargao.

‘Yung bumibili siya ng Mang Tomas sauce, ‘yung naglilibot siya para tingnan ang mga nasirang bagay. No makeup, no frills, pero ang exotic ng dating ha.

Kaya siguro mas malakas ang tama sa kanya ng mga merong foreign blood, gaya ni James Reid at ngayon ni Christophe Bariou na bagong BF niya.

Sayang nga at hindi pa busy sa paggawa ng show o pelikula si Nadine, bagay na bagay sa cinema ang appeal niya.

Gretchen, laging easy ang paligid

Wow, bongga pala si Gretchen Barretto. Iyon palang tequila, gin at honey ang panlaban niya sa COVID ha. Bongga, sosyal.

Nakakatuwa talaga si Gretchen, parang ang easy easy ng mga pangyayari sa paligid dahil sa masaya niyang attitude.

Ganun siguro dapat, tingnan mo ang paligid nang masaya lang para hindi mabigat ang buhay.

Si Gretchen ang perfect example ng isang babae na nalagpasan lahat ng storms sa journey niya, iyon bang, feeling mo, basta maganda ka, dapat maganda rin ang paligid mo.

Maganda rin ang buhay mo. Kaya inom na lang tayong lahat ng tequila, gin at honey, hah hah, lasingin natin si COVID, para ngenge na siya. Hah hah hah, Gretchen style.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with