^

PSN Palaro

Cone hanga kina Tamayo, Quiambao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nakikita ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sina Carl Tamayo at Kevin Quiambao bilang mga future stars ng Pilipinas sa mundo ng basketball.

Maganda ang inilalaro ng dalawang mahusay na players kaya’t naniniwala si Cone na malayo ang mararating ng mga ito sa mga darating na panahon.

Inihalintulad pa ni Cone si Tamayo kay Kerby Raymundo na halos magkapareho ng laro.

“Carl reminds me a lot of Kerby Raymundo, because he’s in the same kind of skill level. Carl has very little he can’t do. He just has to harness it all, kind of throw it all in one direction,” ani Cone.

Sariwa pa si Tamayo sa kampanya sa Japan B.League kasama ang Ryukyu Golden Kings.

Ayon kay Cone, kailangan lang na patuloy itong magsikap upang mas lalong mapataas ang kanyang paglalaro.

“But that goes on with maturity. He could be our superstar by 2027 or 2028. He’s just got to come into his prime,” ani Cone.

Inilarawan naman ni Cone si Quiambao bilang “multi-talented player.”

Hanga si Cone sa husay ni Quiambao na makailang ulit na nitong nahawakan sa Gilas Pilipinas.

Marami pang ibubuga si Quiambao na inaasahang ilalabas nito sa mga susunod na pagkakataong tutung­tong ito sa court.

Nais sana ni Cone na ilagay sa magkakaibang posisyon si Quiambao sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers noong Pebrero dahil sa versatility nito.

Ngunit hindi ito nagawa ni Cone dahil sa kakapusan sa oras sa ensayo.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with