^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas nasa New Zealand na!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas Pilipinas nasa New Zealand na!
Dumating na sa New Zealand ang Gilas Pilipinas para sa third window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisismula sa Hunyo 30.
SBP

MANILA, Philippines — Dumating na ang Gilas Pilipinas sa Auckland, New Zealand para sa third window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na aarangkada sa Huwebes.

Nangunguna sa de­legasyon si Gilas Pilipinas head coach Nenad Vucinic kasama ang 11 miyembro ng Gilas Pilipinas na sasabak kontra sa host New Zealand.

Makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang Tall Blacks sa Eventfinda Stadium sa Auckland sa Huwebes.

Ipaparada ng Gilas squad sina veteran pla­yers Dwight Ramos at Kiefer Ravena na parehong nag­laro sa katatapos na season ng Japan B.League.

Kasama rin sa koponan sina SJ Belangel, RJ Abar­rientos, Dave Ildefonso, Carl Tamayo, Rhenz Abando, William Navarro, Le­bron Lopez, Kevin Quiambao at Geo Chiu.

Magkakasama ang Pilipinas, New Zealand, India at South Korea sa Group A ng qualifiers.

Hawak ng New Zealand ang liderato tangan ang malinis na 3-0 rekord habang may 1-1 naman ang Pilipinas.

Awtomatikong naka­kuha ng tiket sa susunod na round ang New Zealand, Pilipinas at India dahil nadiskwalipika na ang South Korea sa qualifiers.

Matatandaang na-forefeit ang mga laro ng South Korea laban sa Pilipinas at New Zealand dahil sa pagkakaroon ng mga players na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sesentro muna ang atensiyon ng Gilas Pilipinas sa laban nito kontra sa New Zealand kung saan puntirya ng Pinoy cagers na makaresbak sa 63-88 kabiguan nito sa Tall Blacks noong Pebrero.

Ito rin ang unang pagkakataon na hahawakan ni Vucinic ang Gilas Pilipinas.

Dating head coach ng New Zealand si Vucinic mula noong 2006 hanggang 2014.

Matapos ang laban kontra sa New Zealand, babalik sa Pilipinas ang Pinoy squad para naman makaharap ang India sa Hulyo 3 sa Smart Araneta Coliseum.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with