Baltazar lalaro sa Dragonflies sa B.League
MANILA, Philippines — Kagaya ng inaasahan, lumagda si collegiate standout Justine Baltazar ng kontrata sa Hiroshima Dragonflies para sa darating na 2022-23 Japan B.League season.
Nauna nang binawi ng 6-foot-7 forward ang kanyang pangalan sa listahan ng nakaraang PBA Rookie Draft matapos makatanggap ng alok sa Dragonflies para maglaro sa Japanese league.
“Before signing the contract, I was thinking about my family first. Of course, I also had a strong desire to join this team,” paliwanag ni Baltazar. “However, after considering my wife and son, I thought that Hiroshima Dragonflies was a wonderful team for my family.”
Si Baltazar ang pinakabagong Pinoy import sa B.League.
Sa kanyang final season para sa La Salle Green Archers ay humakot si Baltazar ng mga averages na 12.6 points, 10.8 rebounds, 3.1 assists, 1.0 steal at 1.0 block.
Kumpiyansa ang Hiroshima na makakatulong si Baltazar sa kanilang darating na kampanya sa B.League matapos pumuwesto sa No. 12 sa nakalipas na season bitbit ang 29-28 win-loss record.
- Latest