^

PSN Palaro

Gilas men’s at women’s 5-on-5 teams puro na sa gold

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Gilas men�s at women�s 5-on-5 teams puro na sa gold
Thirdy Ravena.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Lalong namuro ang Gilas Pilipinas teams matapos ang dominanteng panalo ng men’s at women’s teams kontra sa magkaibang karibal kahapon sa papatapos na 31st Southeast Asian Games sa Thanh Tri Gymnasium sa Hanoi, Vietnam kahapon.

Sinagasaan ng Gilas men’s ang Malaysia, 87-44, upang umangat sa 5-0 kartada habang dinomina rin ng Gilas women’s ang Singapore, 88-61, para sa 4-0 baraha.

Walang playoffs ngayong SEA Games edisyon kaya kung sino ang may pinakamagandang kartada pagkatapos ng single-round robin ang siyang mag-uuwi ng gintong medalya.

Huling balakid sa misyon ng Gilas men’s ang Indonesia habang haharapin ng women’s ang Malaysia ngayong araw.

Tulad ng kanilang mga unang panalo ay umiskor ang lahat ng 12 manlalaro ni coach Chot Reyes sa pangunguna ni Thirdy Ravena na may 17 markers, 7 rebounds, 5 assists at 2 steals.

May tig-9 points sina RR Pogoy at Lebron Lopez, may walo rin si Isaac Go habang 10 minuto lang ang nilaro ni six-time PBA MVP June Mar Fajardo tungo sa limang markers.

Para sa women’s team, umariba si Clare Castro na may 15 puntos habang may tig-14 din sina Khate Castillo at Janine Pontejos sa kanilang 27-point win.

Nais ng Gilas men’s na masungkit ang ika-14 sunod at kabuuang ika-19 na SEA Games gold medal habang ikalawang sunod naman para sa Gilas women’s bilang hari’t reyna ng SEA Games basketball.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with