^

PSN Palaro

Diaz bababa ng timbang sa 2024 Paris Olympics

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Diaz bababa ng timbang sa 2024 Paris Olympics
Si Hidilyn Diaz habang nagpapalakas ng katawan matapos magpositibo sa COVID-19.
Larawan mula sa Instagram ni Hidilyn Diaz

MANILA, Philippines — Inalis ng International Weightlifting Federation (IWF) ang women’s 55-kilogram division para sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.

Dahil dito ay nagdesis­yon si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na lumipat sa mas mababang 49kg. category sa kanyang pagsabak sa nasabing quadrennial event.

Sa kabila ng pagkaka­roon ng coronavirus di­sease (COVID-19) noong nakaraang linggo ay patuloy pa rin sa kanyang pag-eensayo si Diaz habang naka-quarantine para paghandaan ang mga Olympic qualifying.

“Kahit qualifying rounds ito I really need to prepare, then I have to drop weight,” wika ng 30-anyos na national weightlifter na tinamaan pa rin ng virus bagama’t mayroon na siyang booster shot.

Ang 49kg. division ng Tokyo Olympics ay pinagreynahan ni Chinese lifter Hou Zhihui.

Bukod sa 49kg, inilatag din sa women’s weightlif­ting ng 2024 Paris Games ang 59kg, 71kg, 81kg. at +81kg divisions.

Plano ni Diaz, kasama ang kanyang boyfriend/coach na si Julius Naranjo, na mag-ensayo sa Rizal Province sa sandaling matapos niya ang quarantine period.

“Dahil nandito kami sa Maynila hindi ako nakaka-training nang maayos tsaka delikado, so pupunta kami ng Rizal at doon kami magte-training,” ani Diaz. “Parang backyard trai­ning din kagaya ng ginawa namin sa Malaysia.”

Inilagay sa mahigpit na Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR) at ka­ratig probinsya hanggang sa katapusan ng buwan.

Balak sana ni Diaz na magbalik-ensayo sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila City na bubuksan dapat ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Enero 10 para sa ilang national athletes.

Nabalam ito dahil sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR bunga ng Omicron variant.

“Kailangan naming maghanap ng paraan, hindi puwede na dahil walang mapagte-trainingan dito na lang kami. Hindi, ha­hanap kami ng paraan para makapag-training,” wika ni Diaz.

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with