^

PSN Palaro

Curry nag-init sa panalo ng Warriors vs Clippers

Pilipino Star Ngayon
Curry nag-init sa panalo ng Warriors vs Clippers
Pilit na nilusutan ni Stephen Curry ng Warriors si Paul George ng LA Clippers.

LOS ANGELES — Masamang magalit si Stephen Curry.

Kumamada si Curry ng 11 sa kanyang 33 points sa fourth quarter para pangunahan ang NBA-leading Golden State Warriors sa 105-90 pagdaig sa Clippers.

Ito ang pang-pitong  sunod na panalo ng Warriors (18-2).

Nagalit si Curry nang matawagan ng technical foul sa 9:08 minuto ng final period kung saan nila tangan ang 79-70 abante matapos mabigong makakuha ng foul kay Te­rance Mann ng Clippers (11-9).

Sa 21-7 atake sa final canto ay tatlong triples ang isinalpak ni Curry para banderahan ang Golden State, nakahugot kina Otto Porter Jr. at Jordan Poole ng 18 at 17 points, ayon sa pagkakasunod.

Umiskor si Paul George ng 30 points para sa Los Angeles at may tig-13 markers nina Eric Bledsoe at Marcus Morris.

Sa Indianapolis, humakot si Giannis Anteto­kounmpo ng 26 points at 13 rebounds para akayin ang nagdedepensang Milwaukee Bucks (13-8) sa 118-100 paggiba sa Indiana Pacers (9-13).

Sa Los Angeles, kumolekta si LeBron James ng 33 points at 9 assists sa 110-106 pagtakas ng Lakers (11-11) sa Pistons (4-16).

Sa Memphis, nagtala si Dillon Brooks ng 21 points sa 128-101 paggupo ng Grizzlies (10-10) sa Sacramento Kings (8-13).

Sa Toronto, may 21 markers si Marcus Smart para sa 109-97 tagumpay ng Boston Celtics (11-10) sa Raptors (9-12).

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with