^

PSN Palaro

Kiefer, Ray Parks magtutuos ngayon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Kiefer, Ray Parks magtutuos ngayon
During matches, you can see teammates applauding Kiefer Ravena or even looking for him to run the show.
Chihiro Saito / B. League

MANILA, Philippines — Magkukrus ang mga landas nina Kiefer Ra­vena ng Shiga Lakestars at Bobby Ray Parks Jr. ng Nagoya Diamond Dolphins sa hangaring maipagpatuloy ang pananalasa sa Japan B.League 2021-22 season.

Magtutuos ang Shiga ni Ravena at ang Nagoya ni Parks ngayong alas-2:05 ng hapon sa Dolphin’s Arena.

Target ng Lakestars ang kanilang ikaanim na panalo sa bitbit na 5-1 record habang may 3-3 baraha ang Dolphins na sumasakay sa isang three-game winning streak.

Winalis ng Shiga ang Kyoto Hannaryz sa dalawang beses nilang paghaharap noong nakaraang linggo kagaya ng pagdomina ng Nagoya kay Fil-Am guard Dwight Ramos at sa Toyama Grouses.

Samantala, determinado naman sina Thirdy Ravena ng San-en NeoPhoenix at Kobe Paras ng Niigata Albirex BB na makabangon mula sa kani-kanilang kabiguan.

Lalabanan ni Thirdy Ravena at ng NeoPhoenix (2-4) ang Ibaraki Robots (0-6) sa ala-1:05 ng hapon at makakatapat ni Paras at ng Albirex (2-4) ang Mikawa (4-2) sa alas-4.

vuukle comment

KIEFER RA­VENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with