^

PSN Palaro

GAB nais nang bitawan ang JAO sa pro sports

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dismayado ang Games and Amusements Board (GAB) matapos payagan ng Regional IATF at ng Subic Bay Metropolitan Authority (SMBA) ang pagdaraos ng Filipino Basketball League (Filbasket) na magsisimula sa susunod na linggo.

Sinabi ni GAB chairman Baham Mitra na tila nawawalan na ng saysay ang Joint Administrative Order (JAO) na may basbas ng IATF na siyang ginagamit ng GAB at ng Philippine Sports Commission (PSC) para payagan ang mga nais makapapagsimula ng torneo.

“Kami sa GAB ay su­mu­sunod lamang sa itinatadhana ng JAO. Marami ang nagtatampo sa amin pero wala kaming magawa dahil ito ang panuntunan. Sinunod namin ang 14-day quarantine sa atleta na lalahok sa bubble set-up. Walang face-to-face at no audience, sinunod namin yan,” ani Mitra.

Kaya naman pupulu­ngin ni Mitra ang mga opis­yales ng GAB para mapag-aralan ang sitwasyon.

“Pero sa nangyayari sa kasalukuyan, may mga tournament na nagaganap dahil napayagan ng LGUs at may permiso ng Regional IATF office, parang nababalewala na ang JAO. Parang wala na ring kuwenta ang JAO, so I asked the Board for a meeting pag-usapan na namin ito,” ani Mitra.

Gayunpaman, umaasa ang GAB na isa-isa nang makapagsisimula ang mga sporting events lalo pa’t bumababa na ang kaso ng coronavirus disease(COVID-19) sa bansa.

Inihayag ng GAB chairman na handa ang asosasyon na umalalay sa mga sporting events para masimulan ang kani-kanyang liga.

vuukle comment

GAMES AND AMUSEMENTS BOARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with