^

PSN Palaro

TNT, magnolia simula na ang giyera sa PBA finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT, magnolia simula na ang giyera sa PBA finals
Sina Calvin Abueva at Paul Lee ng Magnolia
STAR/ File

 Agawan sa game

MANILA, Philippines — Inaasahan ni Magnolia coach Chito Victolero na eksperyensado na ang kanyang mga Hotshots sa paglalaro sa PBA Philippine Cup Finals matapos mabigo sa San Miguel noong 2018 at 2019.

Lalo na sa kanilang pagsagupa sa TNT Tropang Giga sa best-of-seven championships series ng 2021 PBA Philippine Cup.

“I think we have matured a lot and built our chemistry,” wika ni Victolero na iginiya ang Magnolia sa korona ng PBA Governors Cup noong 2018.

Magtutuos ang Hotshots at Tropang Giga sa Game One ng PBA Finals ngayong alas-6 ng gabi sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Ang patuloy na pagpapaganda ng kanilang laro ang hangad ni mentor Chot Reyes sa panig ng TNT, natalo sa Barangay Ginebra noong 2020 PBA Philippine Cup Finals sa Clark bubble.

“Kung mapapansin ninyo, lahat kayo ang dami ninyong tinatanong sa akin palagi, ‘What are your chances for the next game?’ And sagot ko sa inyo palagi, we just want to be better, we just want to be better, we just want to be better,” ani Reyes.

Pinatalsik ng Magnolia ang Meralco sa Game Six at umeskapo ang TNT sa San Miguel sa Game Seven ng kani-kanilang semifinals wars para maitakda ang kanilang titular showdown.

Huling naglaban sa isang PBA Finals ang Hotshots at Tropang Giga noong 2014 Commis­sioner’s Cup na pinagwagian ng San Mig Coffee (ngayon ay Magnolia).

“In the finals, that’s e­xactly how we are going to approach it -- how can we be better in the finals than we were in the semifinals,” wika ni Reyes. “That’s our approach.”

Sina RR Pogoy, Jayson Castro, Troy Rosario, Poy Erram at rookie Mikey Williams ang sasandigan ng Tropang Giga katapat sina Paul Lee, Ian Sangalang, Calvin Abueva, Mark Barroca at Rafi Reavis ng Hotshots.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with