^

PSN Palaro

Gilas Women hindi nakaporma sa China

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumasap ang Gilas Women ng masaklap na 52-143 kabiguan sa world No. 7 China sa pagsisimula ng  FIBA Women’s Asia Cup sa Prince Hamza Arena sa Amman, Jordan.

Dominado ng Chinese squad ang lahat ng aspeto ng laban kabilang na ang rebounding department kung saan humatak ang China ng 55 kumpara sa 23 ng Pinay cagebelles.

Mayroon ding 71.70-34.10 edge ang China sa two-point field goal shooting at 54.50-25.0 sa three-point area.

Nakagawa pa ng 24 turnovers ang Gilas Women na sinamantala ng China para makapag-convert ng 34 points mula sa naturang pagkakamali.

Mabilis ang galawan ng China na may 39 fast break points laban sa pito ng Gilas Women.

Tanging si Afril Bernardino lamang ang nagtala ng double digits para sa Gilas Women bitbit ang 17 puntos habang may pito si Janine Pontejos at tig-anim sina Ella Fajardo at Nathalia Prado.

Muling daraan sa panibagong pagsubok ang Gilas Women sa pagsabak nito sa Australia sa alas-7 ng gabi (alas-12 ng hating gabi kahapon sa Maynila).

Sa huling araw ng eliminasyon, makakasagupa ng Pilipinas ang Chinese-Taipei ngayong araw sa alas-7 ng gabi (alas-12 ng hating gabi sa Maynila).

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with