^

PSN Palaro

Bolts selyado na sa no. 2

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bolts selyado na sa no. 2
Norman Black
PBA Images

MANILA, Philippines — Tuluyan nang inangkin ng Meralco ang No. 2 berth kasama ang ‘twice-to-beat’ incentive matapos pasadsarin ang NLEX, 104-101, sa 2021 PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Dumiretso ang Bolts sa kanilang ikatlong sunod na ratsada para sa 8-2 record sa ilalim ng 10-1 baraha ng No. 1 TNT Tropang Giga.

Magdadala ng ‘twice-to-beat’ advantage ang TNT at Meralco sa quarterfinals laban sa No. 8 at 7 teams, ayon sa pagkakasunod.

Ito ang unang pagkakataon sa isang All-Filipino conference na nakakuha ang Bolts ng ‘twice-to-beat’ advantage.

“It’s just a game that we wanted to win. We thought that this game is the most crucial one,” sabi ni one-time Grand Slam champion coach Norman Black ng Meralco. “At this point in the season every win counts and now we can look forward to our game against Ginebra.”

Nakatakdang harapin ng Bolts ang Gin Kings ngayong alas-2 ng hapon at makakamit pa rin nila ang No. 2 berth kahit matalo at magtabla sila ng Magnolia Hotshots sa 8-3.

Ito ay dahil sa win-over-the-other rule kung saan tinalo ng Meralco ang Magnolia, 95-94, noong Setyembre 1.

Humataw si Allein Maliksi ng 22 points para sa Bolts at may 17, 16, 13 at 10 markers sina rookie Alvin Pasaol, Mac Belo, Raymond Almazan at Bong Quinto, ayon sa pagkakasunod.

“Iyong last two games sobrang important sa amin para iyong momentum madala namin sa playoffs,” sabi ni Maliksi na nagsalpak ng apat na triples.

Nagpasabog naman si rookie Calvin Oftana ng career-high na 34 points tampok ang walong tres sa panig ng Road Warriors, may 5-6 baraha ngayon.

Nagbalik sa line-up ng Meralco sina Chris Newsome at Cliff Hodge matapos hindi makalaro sa nauna nilang dalawang sunod na panalo dahil sa health and safety protocols.

Napatalsik sa 10:38 minuto ng fourth period si Newsome dahil sa flagrant foul penalty two nang batuhin niya ng bola sa dibdib si NLEX defender Anthony Semerad.

Ipinoste ng Bolts ang 20-point lead, 85-65, sa huling 2:57 minuto ng final canto bago kumamada si Oftana at idinikit ang Road Warriors sa 101-103 sa natitirang 2.4 segundo.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with