Destiny ni Michelle, inaabangan
Malalaman na ang kapalaran ng laban ni Michelle Marquez Dee sa Miss Universe na ipapalabas ng ABS-CBN at sa iba’t ibang platforms kabilang ang A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC, sa Nobyembre 19 (Linggo) simula 9 a.m.
Base sa post ni Michelle handa siya sa anumang kahihinatnan ng kanyang laban. “No matter where the universe takes me, I will always be proud to call The Philippines my home - and no matter what happens, I will always be proud to call myself Pinoy.”
Live itong mapapanood mula sa El Salvador kung saan makakalaban ni Michelle ang 89 na mga reyna mula sa iba’t ibang bansa.
Tiyak na tututukan ang inaabangang pagrampa ng mga kalahok sa kanilang swimwear at evening gown at pati ang makabuluhang sagot sa Q&A portion.
Kanino kaya ipapasa ni 71st Miss Universe R’Bonney Gabriel ng USA ang korona?
Mahina raw ang palakpakan kay Michelle sa ginanap na preliminary rounds. Pero marami pa ring umaasa na makakasama ito kahit man lang sa Top 5.
- Latest