^

PSN Opinyon

FL Liza nakalimot sa social graces

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Dapat suportahan ng mamamayan ang bagong Presidente Ferdinand R. Marcos, Jr. para siya magtagumpay bilang leader. Pero ang pinakamainam na suporta ay dapat magmula sa kanyang partner na si Liza A. Marcos, ang ating bagong First Lady.

Papaano? Sa pamamagitan ng pagkilos ng wasto sa harap ng publiko. Diyan ko mapupuri si dating First Lady Imelda R. Marcos na madalas ipagyabang noon ni yumaong Presidente Marcos na “she’s the reason for my election”.

Marami ang nakapuna na sa labis na excitement ng bagong Unang Ginang, tila nakalimot siyang kumilos with social graces sa ginanap na inauguration ng ating bagong Presidente Ferdinand R. Marcos.

Para sa akin, balewala yung pagiging kalog niya sa mga photo opportunity matapos ang okasyon ng panunumpa sa National Museum na naging napakasimple ngunit sa pangkalahatan ay maganda. Nag-viral sa social media ang paglabas ng kanyang dila habang kinukunan ng larawan kasama ang kanyang pamilya.

Walang diperensya ‘yun. Panahon ngayon ng bagong­ milenyo. Talagang uso ang tinatawag na “wacky” kapag kinu­kunan ng larawan. Ang napansin ko na dapat iwasan ni Liza ay yung mga kakatwa niyang galaw na may kasamang pagbungisngis, pagbali ng ulo kaliwa’t kanan at pag­kaway sa mga nasa harapan niya habang ginaganap ang ecumenical prayer sa pagsisimula ng inauguration ceremony.

Ang impresyon nito ay wala siyang paggalang sa isang sagradong panalangin para sa ikapagtatagumpay ng kanyang asawa bilang presidente ng bansa. Pinupuna ko ito hindi upang mamintas kundi upang ituwid ang isang pagka­kamali na kung gagawing paulit-ulit ay malamang makasira sa bagong presidente.

Magaling magtalumpati gaya ng kanyang ama si Marcos, Jr. Nagbibigay siya ng bagong pag-asa upang magkaisa ang lahat sa paglutas sa mga dambuhalang suliranin ng bansa dahil sa mga masaklap na pangyayari sa mundo. Ang linya niyang: “Ang pangarap n’yo ay pangarap ko” ay walang pasubaling maitatatak sa isipan ng mga Pilipino tulad ng “kayo ang boss ko” ni Benigno Simeon Aquino III.

vuukle comment

LIZA MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with