^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kaso ng dengue dumarami

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kaso ng dengue dumarami

BUMABABA na ang kaso ng COVID-19 sa bansa at marami ang natutuwa sapagkat babalik na nga sa normal ang lahat. Pero ang masamang balita, ang dengue naman ngayon ang tumataas ang bilang at may mga namatay na. Karamihan umano sa mga nagka-dengue ay mga kabataan.

Noong nakaraang linggo, idineklara ng Philippine­ Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tag-ulan na. Tapos na ang tag-araw at kapag sinabing tag-ulan, hindi lamang ang problema sa baha ang mararanasan kundi ang mga sakit na dulot ng pag-ulan.

Unang-una ng sakit na nananalasa kapag panahon ng tag-ulan ay dengue na hatid ng lamok na tinatawag na Aedes Aegypti. Mabilis dumami ang lamok na ito. Nangingitlog sa mga nakatinggal na tubig sa basyong bote, plastic, alulod, paso ng halaman at mga sirang gulong ng sasakyan na karaniwang nasa mga bubong ng bahay.

Sa report ng Department of Health (DOH), may pagtaas ng dengue cases sa Western Visayas. Ayon sa DOH, may naitala nang 1,034 na kaso ng dengue sa nasabing lugar mula Enero 1 hanggang Mayo 7 ng taong kasalukuyan. Ayon pa sa DOH, 18 na ang namamatay. Ang kaso ng dengue ngayon ay 36 per­cent na mas mataas kaysa noong nakaraang taon.

Inalerto na ang regional directors ng DOH sa posibleng pagdami pa ng kaso lalo’t pumasok na ang tag-ulan. Mahalagang magsagawa ng kampanya ang DOH upang makaiwas sa dengue ang mamamayan. Lubhang delikado ang dengue na mas matindi pa sa COVID. Ang COVID ay mayroong bakunang panlaban hindi katulad ng dengue na wala sapagkat nag­­karoon ng kontrobersiya sa Dengvaxia noong 2016. Ipinatigil ng pamahalaan ang pagbabakuna laban sa dengue dahil sa report na may mga batang namatay. Nagkaroon ng takot ang mga magulang sa bakuna.

Sa pagdami ng kaso ng dengue, ang pag-iingat at paglilinis sa kapaligiran at sa loob ng bahay ang nararapat para makaiwas dito. Kung walang pangi­ngitlugan ang mga lamok, walang dengue.

Palawakin ng DOH ang pagbibigay ng inpor­masyon sa mamamayan ukol sa dengue. Marami pa rin ang salat sa kaalaman ukol sa mga lamok na naghahatid ng sakit lalo na ang mga nasa liblib na lugar. Isama sa mga aralin sa school ang pag-iingat at paglilinis sa kapaligiran upang malipol ang mga lamok na nagdadala ng dengue.

vuukle comment

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with