^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Baha, basura at dengue

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Baha, basura at dengue

Idineklara na ng Philippine Atmospheric­, Geophysical and Astronomical Services Adminis­tration­­ (PAGASA) na umpisa na ng tag-ulan. Pinagba­­sehan ng PAGASA sa pagdedeklara ng rainy season ang limang sunud-sunod na pag-ulan sa bahagi ng Luzon at Visayas kasama ang Metro Manila.

Isa lamang ang ibig sabihin nito, maghanda na ang mamamayan sa baha, basura at dengue. Ang tat­long ito ang mga nangungunang problema sa panahon ng tag-ulan partikular sa Metro Manila. Taun-taon, ang mga problemang ito ang pinapasan ng mamamayan.

Hindi masolusyunan ang pagbaha sa Metro Manila. Marami nang ginawang proyekto na ginastusan nang malaking halaga subalit nananatili pa rin ang pagbaha. Kaunting ulan lang at baha agad. Kabilang sa mga kalye na laging binabaha ay ang Araneta Avenue sa Quezon City, España Blvd., Taft Avenue at Rizal Avenue sa Maynila.

Basura ang itinuturong dahilan kaya may pagbaha sa mga nabanggit na kalsada. Maraming basu­rang plastic sa drainages, estero at iba pang daluyan ng tubig. Wala nang umaagos na tubig sa mga estero at kanal dahil sa rami ng basurang plastic.

Ang mga walang disiplinang mamamayan ang dapat sisihin sa pagkalat ng basura. Tapon dito, tapon­ doon ang ginagawa nila kaya tumatambak sa mga daanan ng tubig. Hindi lamang mga plastic na basura gaya ng botelya ng softdrink, cup ng noodles, sachet ng shampoo, toothpaste tube, 3-in-1 coffee at nadagdag ang mga ginamit na face masks.

Kapag maraming tambak ng basura, dito namu­mugad ang mga lamok na nagdadala ng dengue­. Paboritong tirahan at iniitlugan ng mga lamok ang basurang plastic na may tubig. Sa report ng Depart­ment of Health (DOH) idineklara na ang dengue outbreak sa Zam­boanga City kung saan may naitala ng 900 kaso mula Enero 1 hanggang Abril 1, 2022.

Sa bilang na ito, 11 na umano ang namamatay at karamihan ay mga bata. Bukod sa Zamboanga, may mga kaso rin ng dengue sa Davao Region, Western Visayas at Cagayan Valley. Sintomas ng dengue ang mataas na lagnat na tumatagal ng isang linggo, kulay kapeng ihi, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat at pananakit ng katawan.

Ipagpatuloy ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang paglilinis sa drainages at estero upang maiwasan ang pagbaha. Magkaroon ng disi­plina ang mamamayan sa pagtatapon ng basura upang hindi magbaha. Maglinis ng kapaligiran para hindi mabuhay ang mga lamok na may dengue.

vuukle comment

PAGASA

TAG-ULAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with