^

PSN Opinyon

Tupang inalay

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Iuurong na raw ng nagdemanda ang kasong theft laban­ kay Lolo Narding. Nagsisisi na raw at humingi na ng paumanhin sa matanda.

Ang nagdemanda, caretaker lang ng lupa. Ang may-ari, ayon sa barangay chairman na nakausap ng BITAG, isang congressman na ayaw pangalanan.

May naaamoy ang BITAG dito. Kung susuriin, may kakayahan ba ang caretaker na magsampa ng kaso gamit ang isang abogado?

O sumunod lang siya sa among pulitiko na pinagsisil­bihan. Sabi pa ng barangay chairman, ang abogadong nag­sampa ng kaso ay “administrator” umano ng lupang pag-aari ng congressman.

Kaya nang pumutok sa media at nag-viral sa social media ang istoryang ito, kinulata, kinuyog, dinurog at binash ng netizens ang caretaker ng lupa.

Lumalabas, parang tupang inalay ang caretaker dahil siya ang nakaprontang complainant sa kasong pagna­nakaw ng mangga na isinampa kay Lolo.

Ginawang shock absorber ang pobreng caretaker para mapagtakpan ang tunay na nasa likod ng pagpapakulong sa matanda.

Sabi nga, nasa huli ang pagsisisi. Ang hunghang na caretaker, nag-sorry na sa matanda. Pumayag na rin siya sa amicable settlement na sana sa barangay pa lamang ay pinag-usapan na.

Maganda rin ang naging dulot ng kaganapang ito. Maraming tulong ang nakaabot kay Lolo. Kahit na sinawsawan ng mga oportunistang pulitiko, personalidad at vloggers na wala namang alam sa tunay na pang­yayari.

Hamon ko sa local media ng Pangasinan, alamin n’yo kung sinong congressman ang may-ari ng lupa na kinatataniman ng mangga na naging dahilan nang pagkakaaresto ni Lolo.

Simulan n’yong tanungin ang barangay chairman at kanyang mga lupon. Sigurado ako, makikita n’yo ang mga nakakubling impormasyon at pagkukulang ng mga pendehong nasa kapangyarihan diyan.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with