^

PSN Opinyon

Kahit mamamahayag laging mayroong bias

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sinungaling ang magsasabi na wala siyang bias. Lahat ng tao ay may pinapanigan. Iyan ay totoo kahit sa mga nasa propesyon ng pamamahayag. Ngunit kung may bias ka man, hindi ito dapat ipakita lalo na sa pagsusulat ng balita o sa pagsasagawa ng interview. Journalism 101, “be objective.”

Ibang usapin naman kung ikaw ay opinion writer o kolumnista. Magkaibang-magkaiba ang news reporting at opinion writing. Ang balita ay paglalahad ng mga tunay na nangyari at ang opinion writing ay ang kuru-kuro ng manunulat sa mga nagaganap na balita.

Totoong may media practitioners na nakalalabag sa prinsipyong ito dahil sa bugso ng emotion. Tao lang kasi. Pero sa tingin ko, mali ang pagtanggi ni Presidential candidate Bongbong Marcos sa imbitasyon ni TV anchor Jessica Soho na na-interview sa GMA 7. Ang dahilan niya ay kilala niya si Soho na bias laban sa mga Marcos noong una pa man.

Kung pawang kasinungalingan ang mga ipinaparatang sa kanyang pamilya, lalo siyang dapat magpa-interview para linawin ang kanyang panig kahit isang-milyong ulit na niya ginawa ito. Wala siyang choice kundi gawin ito dahil iyan ang issue na bumabalot hanggang ngayon sa pamilya Marcos: ang kalupitan ng martial law at ang umano’y pangungulimbat sa bayan ng kanyang amang si dating Presidente Ferdinand Marcos.

Posibleng may mga mag-iisip na kaya tumanggi si BBM sa panayam ay takot siyang igisa sa mga dati nang usaping ibinabato sa kanya. Totoong malawak ang follo­wing ni BBM ngunit malamang na may mga ilan na ganyan ang iisipin at posibleng mag-alis ng suporta sa kanya.

Sabi nga ng lumang kasabihan “face your accuser”. Tama. Walang dapat ipangamba kung malinis ang iyong konsensiya. Pangalawang sitwasyon na kasi ito na no-show si BBM. Una sa pagdinig ng disqualification case laban sa kanya ng Comelec at ang pangalawa nga ay ang presidential interview.

vuukle comment

GMA 7

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with