^

PSN Opinyon

Duterte vs Bongbong: labanan ng dynasties

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

INAKUSAHAN ni Rodrigo Duterte na cocaine addict ang isang “mayamang kandidato na pangulo.” Ang tinira niya ay walang iba kundi si Bongbong Marcos na may tagong nakaw na yaman ang pamilya ni dating diktador Ferdinand Marcos. Ang nag-iisang iba pang mayamang kandidato ay si Manny Pacquiao; imposibleng maging adik ang eight-title world boxing champion; gusto nga niya mag-drug test lahat.

Bumanat ang trolls ni BBM. Ipinaalala na adik sa fen­tanyl si Duterte. Umamin siya dati na nagalit ang doktor niya nang i-overdose niya ang paggamit ng fentanyl opioid painkiller. Mahigit 100,000 ang namamatay taun-taon na adik sa overdose ng opioids sa America.

Inakusahan din ni Duterte na walang nagawa si Marcos habang senador. Tama siya roon. Sumagot ang BBM trolls na wala rin namang nagawa si Duterte bilang congressman­ ng Davao City. Tama rin sila. Bilang mayor ng tatlong dekada, wala ni isang city high school o college na naitatag si Duterte. Walang vision para sa kinabukasan ng kabataan.

Samantala, binabaluktot ni BBM ang kasaysayan. Kesyo mabuti raw ang martial law ng diktador na ama, maski sa totoo ay libo ang pinatay, pinahirapan at pinakulong nang walang sakdal. Kesyo dumami raw ang infrastructures sa ilalim ng diktadurya. Pero sa totoo $30 bilyon ang dinambong ng mga magulang niya at cronies. Sentensiyado nga sila ng mga korte at $8 bilyon ang nabawi ng gobyerno sa kanila.

Galit si Duterte kay BBM kasi inuto raw ang anak na si Sara Duterte na mag-VP running mate lang, maski lamang ang huli sa presidential surveys. Pakana raw ni Gloria Macapagal Arroyo ang BBM-Sara tandem.

Labanan ito ng political dynasties. Nais ni Duterte ipamana ang pangulohan sa anak gaya ng estilo niya sa Davao. Balak naman ni BBM patatagin ang dynasty ng congresswoman na ina, senadorang ate, anak na governor, mga pinsan na congressman, atbp. Parang away ng mga angkan ng kulaburetor nu’ng Halalan 1946 matapos ang World War II.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with