^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pakinggan, hinaing ng healthcare workers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL -  Pakinggan, hinaing ng healthcare workers

Patuloy na dumadaing ang healthcare workers. Walang tigil ang kanilang pagmamakaawa. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin sila pinakiking­gan. Pagod na pagod na sila. Saan patungo ang buhay ng mahigit 60,000 healthcare workers (HCWs) na ipi­nagkakait ang pinangako sa kanila?

Marami pa sa HCWs ang hindi pa natatanggap ang ipinangakong benepisyo. Akala nila, maibibigay na sa kanila ang special risk allowances (SRA) makaraang ipag-utos ni President Duterte noong Agosto sa Department of Budget and Management (DBM) na ibigay ang benefits sa loob ng 10 araw. Pero hindi ito natupad.

Noong Sabado, sinabi ng Private Hospitals Workers Alliance of the Philippines (PHWAP), na hindi pa nila natatanggap ang kanilang SRA. Ang PHWAP ay may 63,772 na mga miyembro mula sa 12 pribadong ospital sa Metro Manila at Laguna. Nasaan na umano ang kautusan ni President Duterte na ibigay ang SRA. Ayon sa PHWAP, bukod sa SRA, meal at transpo allowances, bawat HCWs ay makatatanggap din nang mahigit P30,000 kung anim na buwan na nagtrabaho nang walang palya.

Sabi naman ng Department of Health (DOH), ang mga ospital ang dapat sisihin sa pagkaantala ng SRA. Hindi umano nagko-comply sa requirements ang mga pribadong ospital.

Sa nangyayaring ito na nagtuturuan ang DOH at mga pribadong ospital, ang HCWs ang naiipit. Kaawa-awa naman ang kalagayan nila na masyado nang bugbog sa mahabang duty at ang iba ay nahawahan ng COVID, at pagkatapos, hindi pa ibinibigay sa oras ang kanilang SRA at iba pang benepisyo. Nararapat nang magsalita rito si DOH Sec. Francisco Duque III dahil siya ang inatasan ng Presidente ukol sa pamamahagi ng SRA.

Kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan ng HCWs na pinagkakaitan ng benepisyo, magliliparan ang mga ito sa ibang bansa dahil mas malaki ang sahod doon at kinikilala ang kanilang paglilingkod. Noong nakaraang buwan, 10 volunteer doctors ang nagbitiw sa Philippine General Hospital (PGH). Kasunod niyon, maraming nurses sa isang ospital sa Ba­tangas ang sabay-sabay nagbitiw at nangibang bansa na. Ang dating 400 nurses sa ospital, ngayon ay 100 na lang.

Kapag nagpatuloy ang exodus ng HCWs, hinu­hulaang sa loob ng anim na buwan, mapaparalisa ang mga ospital sa bansa at babagsak ang healthcare system. Nararapat kumilos ang pamahalaan. Dinggin ang hinaing ng HCWs at huwag silang balewalain.

vuukle comment

PHWAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with