^

PSN Opinyon

Magandang balita

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Mula nang naumpisahan ng mundo ang pagbakuna nitong­ taong 2021, para bang lagi na lang tayong napapag-iwanan ng mayayamang bansa sa bilis ng kanilang programa. Siyempre, wala silang problema sa supply dahil­ sila rin ang gumastos at kanila rin ang mga factory na guma­­gawa ng bakuna. Kaya dati, halos hindi masisi ang pamahalaan dahil aminado namang kulang tayo sa bakuna.

Ngayon ay hindi na dahilan ang wala tayong stock dahil bukambibig ng IATF na umaapaw na ang supply. Ngayong katapusan ay dapat aabot na sa 100 million ang pangkalahatang natanggap nating bakuna. Ang isyu na lang nga­yon ay kung papaano mapapabilis ang pagturok. Sa rami ng supply, maari nang mabigyan maging ang mga kabataan sa 12-17 age group at maski ang mga 3rd shot ng sektor ng A1-A3.

Nalagpasan natin ang August to September Delta surge. Tanggap ng mga scientist at doktor na ang pagtaas ng bilang ng bakunado ang siyang pangunahing dahilan. Patuloy na bumababa ang istatistika ng nagkakasakit at namamatay, lalo na sa National Capital Region.

Ang pagdagdag at pagrampa pang lalo ng bakuna ay malinaw na maghahatid ng ginhawa sa buhay nang ma­ibalik ang kumpiyansa ng investors at consumers para makatulong sa pag-ahon.

Subalit hindi ito dahilan upang mag-relax. Ang IMF nga ay nakukulangan sa ating mga bilang. Anila ay “seems to be low considering our consumption based economy and heavy dependence on tourism and the service sector­”. 26 million pa lamang ang fully vaccinated sa target sanang 77 million para sa herd immunity.

Bubuksan na rin ng IATF sa general public ang pagbakuna. Wala nang sequence ng mga sektor at ibibigay ang bakuna sa kung sino ang may gusto. Ang pribadong sektor ay nakiresbak kung kaya may mall space, hotel space na ngayo’y Vaccination center. Ang target ay 1 million hanggang 1.5 million vaccination kada araw hanggang magbagon taon mula sa kasalukuyang 7 day average na 488,533.

Sana’y kayanin nila. Anuman ang kalalabasan, ito ay magandang balita para sa lahat.

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with