^

PSN Opinyon

Huwag mag-apura

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Magandang balita ang paglalagay ng Department of Health (DOH) sa buong Pilipinas sa klasipikasyong “low-risk” sa COVID-19. Ibig sabihin, umeepekto ang programa ng pamahalaan kasama na ang mass vacci­nation para tuluyang tuldukan ang umiiral na pandemya.

Sa kasalukuyan, ibinaba na sa Alert Level 3 mula sa kasalukuyang level 4 ang sitwasyon ng pandemic sa National Capital Region, bagay na pinangangambahang magiging mitsa para muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Sana, sana lang huwag mag-apura ang pamahalaan na manumbalik na sa normal ang sitwasyon. Kapag nagmamadali tayo, baka lalong matagal bago maabot ang inaasam nating layunin.

Naranasan na natin noon ang pagbaba ng kaso ng COVID sa bansa at nang magpasya ang pamahalaan na magluwag sa ipinatutupad na protocols, bigla na namang sumirit ang mga kaso ng karamdaman. Back to square one tayo.

Katulad ngayon, kinumpirma ng DOH na may natukoy ng kaso ng bagong Delta variant sa Pilipinas na nagsimula sa Mauritius. Higit daw na mabilis itong kumalat kaysa naunang Delta variant.

Sa palagay ko, okay na muna tayo sa Alert Level 4 dahil walang masyadong restriction sa galaw ng tao bagama’t hindi pa rin lubos na makahulagpos ang takbo ng mga negosyo.

Ang pinakamabuting gawin ay abutin pa nang mas mabilis ang target na 70 porsiyento ng populasyon na mabakunahan para lalong bumagsak at tuluyan nang mawala sa bansa ang COVID-19. Kung mangyayari iyan, walang pasubaling magiging napakasaya ng darating na Pasko.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with