^

PSN Opinyon

Isko at Bongbong ang magsasabong

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HABANG papalapit nang papalapit ang 2022 elections, lumalakas ang dating nina Isko Moreno at Bongbong Marcos sa taumbayan. Seryoso kasi ang mga ito sa pagtakbong presidente. Lumalaki ang tsansa nilang manalo dahil sa kanilang mga programang angkop sa panga­nga­ilangan ng sambayanan ngayong ang bansa ay nilumpo ng COVID. Kung meron mang matinding bakbakan na mangyayari sa darating na elections, ito ay sa pagitan nina Isko at Bongbong.

Bagama’t matunog pa rin ang pangalan ni Davao City Mayor Sara Duterte sa mga survey, naapektuhan ito nang hindi siya mag-file ng certificate of candidacy (COC) noong Oktubre 8 kaya replacement na lamang ang tsansa niya na makatakbo sa pagka-presidente. Pero nagbitiw siya ng salita na hindi talaga tatakbong presidente.

Bukod kay Sara na nangunguna sa mga survey, sina Isko at Bongbong ang magkadikit sa mga survey. Sa survey ng Pulse Asia noong Hunyo, nakakuha si Isko ng 14 percent samantalang si Bongbong ay 13 percent. Noong nakaraang buwan, una pa rin si Sara, samantalang si Bongbong ay nakapagtala ng 15 percent samantalang si Isko ay 13 percent.

Sa social media, mas matunog at mas aktibo si Isko kung ikukumpara kay Bongbong at iba pang mga kandidato. Bukod pa riyan, malinaw at talagang makikita ang konkretong nagawa ni Isko bilang lider. Nakita ko ang malaking pagbabago ng Maynila nang siya ay maupong mayor. Mabilis ang pagtugon ni Isko sa pandemya.

Samantalang si Bongbong, ano bang konkretong ak­syon ang nagawa niya nang maupong senador?  Naging katatawanan nga siya kamakailan nang kumalat sa social media ang sinasabing accomplishment niya noong senador siya. Sa 52 bills na kanyang inihain noong siya ay senador noong 2010-2013, iisa lang ang naging ganap na batas at ito ay ang postponement ng barangay elections.

Hindi naman niya puwedeng ipagyabang ang ilan pang mga bills na isinulong niya at naging batas dahil co-author lang siya.  Ibig sabihin, nakisawsaw lang siya sa orihinal na proponent nito. Kaya nga, asahan na sa darating na eleksiyon, ang mainit na labanan ay mangyayari sa pagitan nina Isko at Bongbong.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with