^

Dr. Love

Nabigo uli si Papa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Teejai na lang po ang itawag ninyo sa akin. Ang akala ko hindi ko na iintindihin si papa dahil mahal naman siya ni mama. Kahit na iniwan niya na kami, suportado niya pa rin ang lahat ng pangangailangan naming mag-ama.

Bata pa ako noong iwanan kami ni mama. Kapag tinatanong ko si papa kung kailangan uuwi si mama, lagi niya lang sinasabi na uuwi rin ‘yun.

Tuwing magpapasko lang kami nagkikita ni mama. Hanggang sa may inuwing isang babae si papa sa amin. 10 years old ako noon. Sabi niya noong una, kaibigan lang niya. Pero gabi-gabi halos sila ang magkasama sa kuwarto nila ni mama.

Sinabihan ako ng tita ko na huwag na raw akong umasang uuwi pa ang mama ko dahil isinumbong na niya si papa na may kinakasamang ibang babae.

Hindi ko pa masyadong pinapansin ang situwasyon ng aking mga magulang, dahil naka-focus ako sa pag-aaral. Hanggang mag-high school na ako, saka ikinuwento ng buo ni papa ang kalagayan nila ni mama.

Kaya pala hindi na umuuwi ang aking ina ay dahil may iba na rin siyang asawa sa UK. Kaya pala naghanap na rin si papa ng ibang babae.

Mabait naman ang bago niyang asawa. Pero ang gusto niya, sila ang magsama at iwanan ako sa aking tita.

Kalaunan ay hindi sila magkasundo, kaya kahit nag-anak ay naghiwalay rin sila.

Naaawa ako kay papa, kahit nagmahal siya ng tapat, nagawa pa ring siyang iwanan.

Ngayon may sakit siya at ako lang ang kasama niya. Ipinangako ko na hindi ko siya pababayaan.

Teejai

Dear Teejai,

Kumusta na ang papa mo? Kung minsan, mas masarap pang maging bata dahil hindi mo pa nauunawaan ang lahat. Pride always hinders us to understand what is the meaning of true love.

Ganyan ang nangyari sa papa mo. Hindi nila nakita ang pinadamang malasakit ng iyong ama. Minsan, magkapera lang, ipinagpapalit na ng isang tao ang mga inaakala niyang magiging sagabal sa kanya. May time na kasiyahan lang niya ang kanyang iniintindi, kaya kahit masaktan ang taong nagmamahal sa kanya ay balewala lang. Mabuti nga nariyan ka sa piling ng papa mo. Kasama mo ako sa panalangin na umigi ang kanyang kalagayan.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with