^

PSN Opinyon

10,000 katao nabigyan na ng P10,000 ayuda

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAKABABANAS na ang walang puknat na banatan ng mga pulpulitikong kandidato para sa eleksyon sa 2022. Panay mudslinging at character assassination ang mari­rinig natin sa mga ambisyosong pulitiko bago pa man ang filing ng certificate of candidacy ngayong October 1. 

Hoy, pansinin n’yo muna ang pagresolba sa COVID pandemic. Kaso, pulos singawan ng baho ang ginagawa ninyong mga public servants kuno na ibinoto ng taumbayan. Reklamo nga ng isang kapitbahay ko, bitin na bitin ang pagtugon ng gobyerno sa ikalulutas ng pandemya. Tapos puro singawan ng baho ang naririnig, ginagamit pa ang mga bayarang trolls sa social media!

Tutukan na lang at ipatupad ang mga relevant programs bilang tulong sa mga mamamayang Pinoy sa harap ng lumulubhang pandemic. Iyan ang inaasahan at hinihintay ng mga mamamayang dapat ninyong pag­silbihan.

Buti na lang ay may isang programang epektibo pero natatabunan ng balitang pulpulitika. Ito ang isinusulong ng programang Balik sa Tamang Serbisyo na itinataguyod ng mga kongresista sa pangunguna ni Rep. Alan Peter Cayetano.

Ito ang tinatawag na “Sampung Libong Pag-Asa”. Uma­abot na pala sa 10,458 ang nakatanggap ng P10,000 ayuda mula sa programa at ito ay nationwide na. Nakaabot na sa bawat sulok ng bansa upang tulungan ang mga taong nasalanta ang kabuhayan dahil sa pandemic.

Sa totoo lang, sariling inisyatibo ito ng grupo ng mga kongresista sa pangunguna ni Cayetano. Isinusulong kahit wala pang aprubadong batas. Congratulations sa mga taong ito na hindi namumulitika kundi panay ang trabaho para sa kapakanan ng mamamayan.

vuukle comment

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with