^

Metro

Rider, nag-‘dive’ sa tunnel lasog!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Rider, nag-�dive� sa tunnel lasog!
Dead-on-the-spot ang biktimang si Gerald Bolasoc, 45, security guard at residente ng Tumana, Marikina City bunsod nang matinding pinsalang tinamo sa ulo at mga bali sa mga buto sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider ang nasawi nang bumangga ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa center island ng ­Quezon Avenue, na ­nagresulta upang mag-‘dive’ siya at bu­magsak sa tunnel sa Brgy. Pinyahan, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Gerald Bolasoc, 45, security guard at residente ng Tumana, Marikina City bunsod nang matinding pinsalang tinamo sa ulo at mga bali sa mga buto sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Ayon sa ulat ng ng Traffic Sector 6, ng Quezon City Police District (QCPD), nabatid na dakong alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Quezon ­Avenue sa kanto ng EDSA sa Brgy. Pinyahan.

Sakay ang biktima ng kanyang Yamaha Mio Gravis Motorcycle na may plakang 961QBM at binabagtas ang Quezon Avenue patungong Quezon City Memorial Circle, nang pagtawid sa kanto ng EDSA ay bigla na lang itong mawalan ng kontrol sa motorsiklo.

Sumalpok ang motorsiklo sa center island, na nasa kanyang kaliwang bahagi, sanhi upang mag-dive ang biktima pabagsak sa tunnel ng ­Quezon Avenue, na tinata­yang nasa 20 talampakan ang taas habang ang kanyang motorsiklo ay naiwanan naman sa ibabaw ng Quezon Avenue.

Tumalsik pa umano ang helmet ng biktima sanhi upang bumagok ang kanyang ulo sa sementadong kalsada ng tunnel at magtamo ng matinding pinsala, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

vuukle comment

GERALD BOLASOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with