^

Metro

Pag-IBIG Fund, naglabas ng record-high na P40.41 bilyong home loans mula sa Enero-Mayo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalampasang muli ng Pag-IBIG Fund ang kanilang sariling rekord matapos makapag-release ng mahigit sa P40 bilyong home loans sa unang limang buwan ng taong 2022.

Batay sa datos, mula Enero hanggang Mayo, 2022, nakapaglabas ang ahensiya ng home loans na nagkakahalaga ng P40.41 bilyon, na pinakamalaking halaga na nai-release nila sa loob ng unang limang buwan ng taon, sa buong kasaysayan nito.

Nabatid na mas mataas ito ng 15% mula sa P35.28 bilyong home loans lamang na nai-released nila sa kaparehong panahon noong 2021.

“Pag-IBIG has once again set a new record in the amount of home loan releases to begin the first five months of the year. We are happy that the number of Filipino workers who are able to become homeowners through the Pag-IBIG home loan programs continue to grow. Our consistent performance also indicates that the home loan policies we have set in place have been effective, and we expect that these would continue to enable even more Filipino workers to have decent and affordable homes in safe, sustainable and resilient communities,” ayon kay Secretary Eduardo D. del Rosario, na siyang pinuno ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Samantala, sinabi naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na ang halagang ini-release nila hanggang noong Mayo ay ginamit para sa pagbili at konstruksiyon ng 36,865 tahanan para sa miyembro ng Pag-IBIG.

Ito aniya ay mas malaki ng 5% kumpara sa 34,979 tahanan lamang na nai-finance ng Pag-IBIG Fund sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.

Idinagdag pa niya na mula sa kabuuang bilang ng mga tahanan na kanilang pinondohan, 6,787 o 18% ang socialized hou­sing units, na ngayon ay pagmamay-ari na ng mga minimum-wage at low- income workers at kanilang mga pamilya.

Ayon pa kay Moti, kung magpapatuloy ang kasalukuyang trend, inaasahan nilang makapagre-release sila ng hanggang P105 bilyong home loans sa pagtatapos ng taong ito.

vuukle comment

PAG-IBIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with