^

Metro

Kelot itinumba sa Caloocan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Ricardo Perol, 44, residente ng Brgy. 176 Bagong Silang, Caloocan City sanhi ng tinamong tama ng mga bala ng baril sa katawan.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaslang.

Sa pahayag ng ilang saksi sa insidente, dakong alas-11 ng gabi nang makarinig sila ng dalawang putok ng baril hanggang sa makita na lamang ang biktima na duguang nakahandusay sa kahabaan ng Bagumbong Road, Brgy. 176, Bagong Silang.

Napag-alaman na dati na umanong nakulong ang biktima dahil sa ilegal na droga habang narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Patuloy naman ang follow up imbes­tigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa pagpatay sa biktima.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with