^

Metro

P1.7 milyong marijuana, shabu nasamsam sa buy-bust sa Caloocan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit P1.7 milyon halaga ng ­ilegal na droga ang nasabat sa da­lawang hinihinalang ‘tulak’, kabilang ang isang menor-de-edad  sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City.

Sa report ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz, alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), kasama ang Bagong Barrio Police Sub-Station 6 at 6th MFC RMFB-NCRPO ng joint buy bust operation sa 171 Malolos St., Bagong Barrio, Brgy. 153 na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang menor-de-edad habang nakatakas naman ang kanilang target na si alyas “Tipus”.

Nakumpiska kay ‘Tipus’ ang 8 kilo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruiting tops na may standard drug price P960,000, 28 grams ng pinatuyong dahon ng hinihinalang kush na may stan­dard drug price P67,200 at buy-bust money.

Sinabi ni Mina, ang ­operation ay bunsod ng impormasyon ng isang regular confidential informant hinggil sa illegal drug activities ni Tipus.

Nauna rito, alas-10:20 ng gabi nang madakma rin ng mga operatiba ng SDEU sa buy-bust operation sa BMBA Compound, 3rd Avenue, Brgy. 120, Caloocan City si Rose Ann Gonzales, 35.

Nasamsam sa kanya ang nasa 100 grams ng hinihina­lang shabu na may standard drug price P680,000 at buy-bust money. Pinuri ni Cruz ang mga ­operatiba ng Caloocan Police sa mahusay na trabaho habang kinasuhan naman ang naarestong suspek ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with