^

Metro

Welder ginilitan na, binaril pa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang welder nang  gilitan  na at barilin pa sa ulo ng mga ‘di kilalang salarin habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Ronel De Asis Rita, 24, may asawa, welder, at residente ng Block 4, Lot 26, Kaunlaran Ext., Brgy, Batasan Hills, Quezon City dahil sa sugat sa leeg at tama ng bala sa ulo.

Inaalam pa naman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin sa krimen.

Batay sa report ni PCpl Angel Pascasio III, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong alas-2:15 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa IBP Road, kanto ng Freedom Park, sa Brgy. Batasan Hills.

Sa salaysay sa pulisya ng taxi drivers na sina Rodel Mabini at Herman Barrameda, naghihintay sila ng pasahero nang bigla na lang lumapit sa kanila ang biktima na sakay ng isang motorsiklo.  Duguan umano ang biktima at nanghihingi ng tulong.

Gayunman, bago pa man siya natulungan ng mga taxi dri­vers ay bumagsak na ito sa sementadong kalsada kaya’t kaagad nang inireport sa mga pulis.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nakitang may sugat sa leeg ang biktima, na posibleng ginilitan, habang may tama rin ito ng bala sa likod ng ulo.

Masusi nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen para sa agarang ikareresolba nito.

vuukle comment

CIDU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with