^

Metro

4 Chinese patay, P262 milyong shabu nasamsam

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na Chinese nationals, na pawang hinihinalang sangkot sa illegal drug activities, ang nasawi nang manlaban sa isang buy-bust operation na ikinasa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Angeles City, Pampanga kahapon ng umaga, na nagresulta rin sa pagkakakumpiska ng mahigit sa P262 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

Ang mga napatay na Chinese nationals ay nakilalang sina Cai Ya Bing, alyas Cai, 29; Erbo Ke alyas Payat, 34; Huang Guidong, 43, at Wuyuan Shen, na gumagamit sa pangalang Jinpeng Zhang, 41.

Batay sa sketchy report ng PDEA, nabatid na dakong alas-10:00 ng umaga nitong Lunes nang maganap ang madugong buy-bust operation sa Punta Verde Subdivision, Brgy. Pulong Cacutud, Angeles City.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga dayuhan kaya’t nagsagawa ng surveillance operation.

Kaagad ding nagkasa ng buy-bust operation ang composite force ng law enforcement at military elements sa pangunguna ng PDEA sa naturang lugar, at nang magpositibo ang transaksiyon ay tinangkang arestuhin ang mga suspek.

Gayunman, sa halip umanong sumuko ay nanlaban ang mga suspek, na nagresulta upang mapatay ang mga ito ng mga awtoridad.

Narekober din sa mga suspek ang apat na kalibre .45 pistola.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with