^

Metro

Imbestigasyon ng ICC sa drug war, papayagan ni Isko

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Imbestigasyon ng ICC sa drug war, papayagan ni Isko
Matatandaan na pinayagan na ng ICC pre-trial chamber ang kanilang mga prosecutors na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa drug war sa ilalim ng admi-nistrasyong Duterte.
STAR/File

Kapag nahalal na presidente

MANILA, Philippines — Hindi umano maki-kialam si Manila Mayor Isko Moreno sa gaga-wing imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) ukol sa ‘drug war’ sakaling mahahalal siyang pa-ngulo ng Pilipinas.

“I will not prevent anything. Rule of law will be observed under my watch. Why not? If there is nothing to hide. Anyway they’re just investigating. It doesn’t mean you’re guilty or not,” ayon kay Moreno sa panayam ng ANC Headstart.

Matatandaan na pinayagan na ng ICC pre-trial chamber ang kanilang mga prosecutors na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa drug war sa ilalim ng admi-nistrasyong Duterte.

Kailangan din umano na magkaroon ang Pilipinas ng respeto mula sa ibang bansa at maipakita na kaya natin na sumunod sa mga panuntunan.

“But wala namang pagko-cover, hindi naman para proteksyunan. Rule of law will be observed. Every citizen can afford any provision of the Constitution as a matter of right. Kailangan certain tayo sa rules eh. But definitely, I will not lift a finger mag-cover or tumulong either way or magdiin, diinan or paghigantihan,” paliwanag niya.

Pabor din ang alkalde na ilantad ng lahat ng opisyal ng pamahalaan ang kanilang SALN (Statements of Assets, Liabilities and Net Worth) na isang pampublikong dokumento.

“I don’t know their (Duterte camp’s) legal justification of that but as elected officials, nakalathala yung aming mga ari-arian, pag-aari at pagkakautang,” ayon kay Moreno.

Samantala, itinang-gi rin ni Yorme na isa si­yang sugarol makara-an ang mga akusasyon ng pagiging madalas niya sa mga casino.

Inamin ng alkalde na nakapaglaro nga siya sa mga casino at maging sa mga kalsada, ngunit hindi siya nagsugal at hindi pumasok sa mga pasugalan habang siya ay nanunungkulan sa pampublikong opisina.

“Am I a gambler? No. Did I go to a casino when I was a mayor? No, because there is a policy made by President Duterte: Bawal lahat ang mga taong-gobyerno sa casino,” paliwanag ni Moreno.

 

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with