^

Metro

Quezon City nagpalabas ng gabay sa pagpapatupad sa Alert Level 4

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpalabas ang Quezon City government ng gabay na magiging batayan  hinggil sa pagsunod sa mga guidelines sa ilalim ng Alert Level 4 status sa Metro Manila.

Ayon kay Mayor Joy ­Belmonte, sa ilalim ng alert status ay ipapatupad ang public safery hour mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw sa lungsod.

Papayagan anya ang  ehersisyo tulad ng biking at jogging bakunado man o hindi bastat  hindi public safety hour, pwede ang alak maliban sa oras ng public safety hour.

Sa religious gathering at pagkain sa loob ng restaurant ay may 10 percent lamang ang papayagan sa indoor dine-in para sa mga fully vaccinated habang 30% naman sa out door dine in  o al fresco.

Kapag may patay  ay dalawang  araw lang ang lamay at mga kamag-anak lamang ang papayagan pumunta doon habang dapat sa loob ng 12 oras ay maili­bing na mga labi ng namatay sa COVID-19.

Sa transportasyon ay isang upuan ang pagitan kada pasahero at dapat nakasuot ng face mask at face shield.

Ang sari-sari store ay sarado sa public safety hours dahil ito ay nasa mataong lugar at maiwasan ang paglabas ng publiko.

Sa oras ng curfew, pwede ang mga Authorized Person Outside Residente (APOR), essential workers at mga bibili ng mahahalagang pangangailangan tulad sa botika, grocery at palengke.

Sinabi rin ni Mayor ­Belmonte na ipapatupad ang granular lockdown sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19. Magkatuwang naman ang lokal na pamahalaan at national government sa pagkakaloob ng ayuda sa mga apektado ng virus  habang patuloy ang swab test at contact tracing ng lokal na pamahalaan sa mga lugar na nasa granular lockdown.

vuukle comment

JOY ­BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with