^

Dr. Love

Desperado

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Napakasaklap ng karanasan ko sa pag-ibig, Dr. Love. Naging ulirang asawa ako sa aking misis. Isinubsub ko sa trabaho ang aking sarili upang masunod ang kanyang layaw at maitaguyod ko ang isang masayang pamilya. Ngunit kapighatian ang isinukli ng misis ko sa akin. Labing dalawang taon kaming nagsama at biniyayaan ng dalawang anak.

Masaya kami sa unang yugto ng aming pagsasama. Hindi ko sasabihing mayaman kami, ngunit maginhawa ang aming buhay. Ako ay manager sa isang kompanya at ang misis ko ay isang nurse.

Hindi ko maisip kung bakit siya nagsalawahan. Nabigla na lang ako nang isang gabi ay sinabi niya sa akin na nagkita sila ng kanyang dating nobyo at nabuhay ang isang pag-ibig na dapat sana ay malaon nang nalibing sa limot.

May anim na buwan na siyang wala sa piling ko. Sa kabila ng akong kalungkutan, patuloy akong naghahanapbuhay para sa kinabukasan ng aking anak na lubhang ring apektado ng aming separation. Tila ayaw ko nang mabuhay kung hindi lang dahil sa mga anak ko.

Pagpayuhan mo ako.

Fermin

Dear Fermin,

Huwag mong isiping wala nang kabulugan ang buhay mo. May dahilan ang Diyos kung bakit tayo ay nabubuhay pa.

Sa kaso mo, may mga musmos ka pang anak na dapat arugain at papagtapusin ng kurso. Kung wala ka, ano ang mangyayari sa kanila?

Sila ang dahilan kung bakit ka dapat mabuhay. Huwag mong hayaan maging hadlang ang mga kapighating dumara-ting sa buhay mo.

Alam kong masakit ang nangyari sa iyo pero lahat ng tao ay dumaranas ng mapapait na karanasan. Kumapit ka lang sa pananampalataya sa Diyos at ikaw ay gagabayaan Niya sa tamang pandas.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with