^

Dr. Love

Naparatangan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sabi ng iba, ang pag-aasawa ay suwerte-su-werte lang. Kung mapalad ka, makakatagpo ka ng ulirang kabiyak na mapagmahal at maalalahanin. Kung malas ka naman ay babagsak ka sa asawa na magiging pasanin mo habang nabubuhay ka.

Tawagin mo na lang akong Luz, 29 anyos, may asawa at ngayon pa lang ako nagdalantao matapos ang tatlong taon naming pagsasama ng aking selosong mister.

Sobra at wala sa katuwiran kung magselos ang asawa ko. Pagdating niya ng bahay at makikita niyang nakaayos ako at mabango, sasabihin niyang siguro ay may kinatagpo akong lalaki. Kung minsan, nakakatikim pa ako ng sampal at masasakit na salita sa kanya.

Lagi kong ipinagdarasal na sana magbago siya. Isinusumpa ko na kailanman ay hindi ako nagtaksil o nakaisip na pagtaksilan siya. May takot ako sa Diyos at hindi ko gagawin ang ganoon.

Minsan, may dumating na nagri-reading ng kuntador sa tubig. Nakiusap siya kung puwedeng maki-cr dahil ihing-ihi na raw siya kaya pinayagan ko siyang gamitin ang banyo malapit sa kusina namin.

Nang papalabas na siya ng bahay, parating naman ang mister ko.  Pagpasok niya sa bahay ay nanlilisik ang mata na tinanong ako kung sino ang lalaking lumabas sa bahay namin. Ayaw niyang maniwala sa paliwanag ko at binugbog ako ng todo.

Nagkataong naglilihi ako noon. Nang malaman niyang buntis ako, sa halip na matuwa ay ayaw kilalanin ang anak niya sa sinapupunan ko. Anak daw iyon ng lalaking nakita niyang papalabas ng aming bahay.

Hindi ko na matiis ang kanyang ugali. Ano ang gagawin ko?

Luz

Dear Luz,

Kapag isinilang mo ang anak ninyo, ipa-dna test mo para patunayan sa seloso mong asawa na ito ay kanyang dugo at laman. Nauunawaan ko kung ikaw ay hindi na makatiis sa kanyang sobrang pagseselos na may kasama pang pisikal na pananakit.

Pero ang pakikipaghiwalay ay ang pinakahuling hakbang na dapat mong ikonsidera. Dapat sikapin mo muna na mahimok siyang magbago.

Kung hindi siya magbabago, malamang ay may mental disorder na siya at nanga-ngailangan ng professional help. Dapat mo na siyang ikonsulta sa psychiatrist o clinical psychologist.

Dito mo pa lang puwedeng ikonsidera ang annulment ng inyong kasal kung kayong dalawang ay legally married. Ang labis na pananakit ng isang asawa sa kanyang misis ay matibay na ground para ipawalang bisa  ang kasal.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with