^

Dr. Love

Naisyu sa pakiki-internet

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko akalain na ang pagpupursige ko na makakonek sa internet ang maglalagay sa akin sa alanging situwasyon.

Na-isyu akong nagpapa-cute sa kapatid ng kapitbahay ko. Ang worst, ako ang babae ang kumakalat na nanliligaw sa lalake. My golly!

Dr. Love, pangalawang gabi ko po na makisuyo dahil nagkaproblema ang connection namin. Nasa senior high po ako at tala-gang kailangan ko sa aking pag-aaral ang wifi connection.

Kaibigan lang po para sa akin si Andy at hanggang doon lang po ‘yun. Hindi ko po maintindihan kung ‘san nanggaling ang mga kumakalat na para sa akin ay talagang nakakapangilabot.

Ni-hindi nga ako tumatanggap ng manliligaw at ano? Parang lumalabas na pabalat-bunga ko lang ang pakiki-connect sa internet. E, ‘di wow!

Pasalamat na lang ako, matino ang isip ng magulang ni Andy at nauunawaan nila ang kalagayan ko. Naku po, kung alam n’yo lang ang pakiramdam ko nung moment na malaman ko ang ini-isyu sa’kin.

Sana maayos na ang wifi namin dahil hindi ko na ma-take ang mga naririnig ko sa nagkalat na mga “marites”.

Ang pinoproblema ko pa ay baka kung ano na ang iniisip tungkol sa akin ni Andy at ng kapatid niya. Ano po ba ang dapat kong gawin?

Pompa

Dear Pompa,

Kung wala namang katotohanan ang mga kumakalat, mabuti pang dedma ka na lang. Kasi kung magpapaapekto ka ay lalo lamang magpipyesta ang mga mahilig sa tsismis.

Pero kung hindi mo papansinin ay kusang mamamatay ang apoy na pilit nilang pinagliliyab. Tutal naman, hindi ganon ang iniisip ng magulang ng kapitbahay mo.

Sana nga ay maayos na ang internet connection ninyo para hindi mo na kailangan pang makisuyo sa kapitbahay mo at manahimik na ang mga “marites” sa paligid ninyo.

Lalo mo pa sanang paghusayan ang pag-aaral mo para sa magandang future mo. 

DR. LOVE

 

vuukle comment

INTERNET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with