^

Dr. Love

Na-scam ng gf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nakakahiya ang kasaysayan ko, kaya kung puwede ay huwag nang banggitin ang totoo kong ngalan. Tawagin mo na lang akong Jerzon, 25 anyos, binata pa at sa aking trabaho bilang sales representative ay masasabing maginhawa at marangya na ang aking buhay.

Dalawang beses pa lang ako nagka-girlfriend dahil sobra akong pihikan. Sa kaunting kapintasang mapuna ko sa babae ay kinakalasan ko na agad. Hanggang nakilala ko si Rizza, maganda at ubod ng hinhin. Nang maging kami, ni ayaw niyang manood ng sine na kaming dalawa lang. 

Kahit moderno na ang panahon aniya ay conservative siya. Buo ang tiwala ko sa kanya dahil sa nakita kong panlabas na katangian. Nang alukin niya akong mamuhunan sa isang investment scheme, napa-oo niya ako agad. Pyramid scam pala ito.

Nag-invest ako ng kalahating milyong piso at sa unang dalawang buwan ay kumikita ako ng one hundred thousand, pero nang mga sumunod na buwan ay  wala nang dumating na tseke. Sa madaling sabi, nagoya ako ng tatlong daang libo na malaking bawas sa savings ko.

May apat na taon nang hindi nagpapakita sa akin si Rizza at kahit ini-report ko na siya sa awtoridad, sinabi sa akin na baka hindi niya totoong pangalan ang ginamit at malamang na wala na ito sa bansa.

Dapat ko pa bang ituloy ang paghahanap sa scammer na ito?

Jerzon

Dear Jerzon,

Dapat siguro, noong una pa ay ipinalathala mo na sa pahayagan at telebisyon ang kanyang pa-ngalan para ma-warningan ang publiko sa kanyang panloloko. Fours years na ang nakaraan, marahil charge it to experience na lang.

 Mas mabuting kalimutan mo na lang ang nangyari para mapanatag na ang iyong kalooban.

Sa nangyari sa iyo, nakapulot ka ng gintong aral para huwag nang mangyari pa sa iyo ang ganyang panloloko.

Dr. Love

 

 

 

 

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with