^

Dr. Love

Henpecked

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa raw akong “henpecked” o under de saya. Iyan ang palaging kantiyaw sa akin ng aking mga kaibigan. Labis daw akong sunud-sunuran sa aking misis. Pero ito’y bunga lang ng aking labis na pagmamahal sa babaeng ulirang ina ng aking dalawang anak.

Mangyaring tawagin mo na lang akong Alexis, 32 years old. Noong araw, matatawag mo akong iresponsable dahil laging kong kasama ang aking katropa sa mga lakaran. Nang mag-asawa ako ay maaga na akong umuuwi. Opisina at bahay lang ang destinasyon ko araw-araw.

Sa dalawang taong pagsasama namin ni Myrna, napansin ng aking mga kabarkada ang malaking pagbabago ko. Dati nila akong nakakasama sa mga gimmick at inuman. Madalas, ako ang laging taya.

Very loving ang misis ko, maalaga sa aming nag-iisang anak at masipag sa kanyang tungkulin sa tahanan. Sa isang kataga siya ay “uliran” at sa palagay ko ay wala na akong matatagpuang babae na makahihigit sa kanyang katangian. Nasasaktan din ako sa mga patutsada pero pinalalampas ko na lang. Minsan, napipikon na ako pero pinipilit kong magtimpi.

Natatakot ako na baka bumigay ako, isang araw at magwala dahil sa mga panunudyo nila sa akin. Pagpayuhan mo ako.

Alexis

Dear Alexis,

Congratulations sa malaking pagbabago mo. Hindi ka under de saya, kundi ulirang mister din gaya ng iyong misis. Tama ang iyong ginagawa at huwag mong intindihin ang mga nanunukso sa iyo.

May taglay kang  katangian na wala sa mga kaibigan mo, na puro gimmick ang iniisip.  Huwag kang gagawa ng karahasan sa kabila ng kanilang mga panunukso sa iyo dahil kung tutuusin, mayroon kang matibay na relasyon sa iyong pamilya na higit na mahalaga kaysa pag-lalakwatsa kasama ang iyong mga kaibigan.

Kung gagawa ka ng marahas  na bagay, malamang makaapekto ito sa iyong trabaho at ikaw ang talo, hindi ang mga kaibigan mong nambubuska sa iyo.

Tawanan mo na lang sila na mga nambubuska sa iyo at huwag hayaang maging dahilan ng sakit ng ulo ang kanilang mga salita sa’yo.

Dr. Love

 

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with