^

Dr. Love

Nanliliit sa success ni Misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako si Riggo. Masaya ako sa noo’y gf ko palang at ngayon ay misis ko na. Dahil totoong mahal niya ako.

Pareho kaming nag-aaral sa kolehiyo dati, BS nursing. Wala akong problema pagdating sa pera dahil mayaman ang gf ko. Nage- enjoy kami sa aming college life- gimik at panay lampungan. Pero maingat ako, ayaw niya kasing mabuntis agad.

Talagang naghihintay lang akong maka-graduate kami para makapagpakasal na kami.

Lahat ng prepasyon at gagastusin, inihanda namin. Engrande ang kasal, malaki ang ginastos, halos nasa tatlong daang libong piso. Ako na yata ang isang mahirap na nilalang na ikinasal ng ganon, pero babae ang gumastos.

May naambag din naman ako, hindi lang ganoon kalaki. Ayaw kasi pumayag ng magulang ko na wala kaming iaambag sa mga gastusin.

Generous ang ninang namin na konsehal, binigyan kami ng bagong sasakyan, puting kotse para magamit sa aming kasal.

Naging maganda ang aming pagsasama. Nakapasa si misis sa board exam, nga lang, ako ay  hindi nakapasa.

Simula noon, pinanghinaan ako ng loob. Parang sa misis ko na lang naibubuhos ang biyaya. Hindi ko matanggap na ako ang umaasa sa kanya.

Nasa UK na siya ngayon. Sabi niya, huwag akong mag-alala dahil gagawin niya ang lahat para magkasama kami roon. Hindi ko alam kung hahayaan ko na lang siya na maging masaya at hahanapin ko naman ang para sa akin.

Riggo

Dear Riggo,

Bakit kung kailan paganda nang paganda ang buhay ninyong mag-asawa, saka ka pa nagha-hanap ng ikakasira ng relasyon ninyo?

Ang dapat ay magpasalamat ka sa Diyos.  Huwag mong paghiwalayin ang tagumpay at kasiyahang nararanasan ng misis mo. Isipin mong ikaw ang kanyang lakas at inspirasyon sa kanyang tagumpay.

DR. LOVE

vuukle comment

RINGGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with