^

Probinsiya

DSWD naglaan ng P1 milyong ayuda sa Bicol Region

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglaan na kahapon ng halos P1 milyong ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilyang apektado ng bagyong Aghon sa Bicol Region, ayon sa opisyal kahapon.

“The DSWD is working tirelessly in coordination with LGUs to ensure the timely distribution of relief goods and other essential services to the affected population,” pahayag ni DSWD Secretary for Disaster Risk Management Group at Spokesperson Irene Dumlao.

Sinabi ni Dumlao na ang DSWD kasama na ang mga kontribusyon mula sa iba’t ibang mga Local Government Units (LGUs) ay pinalawig sa P972,000 ang ayuda sa mga apektadong pamilya sa lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Catanduanes at Sorsogon habang ang karagdagang P316,000 ay mula naman sa mga LGUs.

Ayon kay Dumlao, kabilang sa relief packages ay food packs, hygiene kits at iba pang mga pangunahing pangangailangan para sa mga pamilyang evacuees o bakwit na nagsilikas sa kani-kanilang tahanan dulot ng kalamidad.

Sa pinakahuling ulat ng DSWD-DRMG, ang bagyong Aghon ay nakaapekto sa kabuuang 6,542 pamilya o kabuuang 8,200 katao sa 22 Barangays sa Bicol, Central Visayas, at Eastern Visayas regions.

“Naka-preposition na yung mahigit 24,900 family food packs sa nasabing mga rehiyon na nakahanda na nilang ipamahagi kung kailanganin na ito ng mga apektadong pamilya.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with